I solemnly swear…
1. Na makikinig ako sa yo.
Kahit rumuroll-eyes na ako sa utak ko, makikinig pa rin ako. Dahil ikaw, sa bilyong-bilyong tao sa buong mundo, ang pinili kong pakinggan at pakisamahan. Halata man o hindi sa mukha ko, uunahin ko man ang pride ko, ikaw lang ang may ganitong kakayahan, na mapapa-“oo nga no” ako within 30 minutes o 3 days o 3 years (hintayin mo lang ungas lang talaga ako minsan). Maiinis man ako o magpapakaangas, lahat ng sinasabi mo, didibdibin ko at hindi ko lang isasangtabi.
2. Na mas aasa ako sayo.
Alam kong nasanay na ako na mag-isa at nakakaya ko ang mga bagay nang hindi ko kailangan ng tulong ninuman. Ngunit alam ko rin ang halaga at saya ng being needed (shocks). At alam ko rin na andyan ka kung kailangan man kita. Hindi ko gagawin ito dahil sa katamaran (minsan) pero dahil gusto kitang maging parte ng buhay ko. Na sakaling mawawala ka, mamimiss ko ang tagamasahe ng paa ko, tagaluto, etc.
3. Na magpapakatotoo ako sayo.
Masakit man minsan ang katotohanan, but it will set you free (huwat?). Kung ayoko yung ginagantso ako, alam ko ring ayaw mong ginugulangan ka kahit mas magulang ka (hirit). Mas masakit rin kung maririnig pa sa iba. At nakakabastos namang kung halata naman at nagets mo na nga, ginawa pa kitang tanga. Ilalabas ko ang lahat pwera na lang kung mga surprise parties at surprise gifts (pang dagdag sa collection mo).
4. Na hahayaan lang kita paminsan-minsan.
Kahit kating-kati na ako at nanggigigil dahil wala talaga yang space-space na yan sa bokabularyo ko. Litsak lang yang mga time-off at cool-off. Hindi ko maiintindihan yan, ever, kahit nung sinubukan ko. Matindi talaga ako mag-isip at alam kong alam mo yon. Pero pipilitin ko at titiisin, dahil alam mong alam ko rin (huh?).
Magpapakaparty na lang ako somewhere, dahil sa mga panahon na ‘yon kailangan kong i-leash ang mga over-active brain cells ko. Sapagkat alam ko, pagkatapos ng space na yan, sasabihin mo rin sa’kin kung ano yan. Wag mo lang sanang gawing magkunwaring walang nangyari.
(Pwede bang mag-implement ng overnight rule? Wag paabutin ng dalawang araw? Humirit eh. Ang hirap kase.)
5. Na kikiligin ako.
Alam kong 2-way dapat to. Dapat me effort sa isa’t isa para maging alive pa rin ang romansa. Mag-eeffort ako (kahit ang hirap makakuha ng reaction sayo). Nakakainis nga na di mo na kelangan mag-effort. Easy lang kase ako. Amph!
6. Na sasayaw ako.
Kahit anong oras o kahit saan mo man akong ayaing sumayaw. May musika man o wala. Nakapaa man o nakabotas. Hindi ako aayaw. Hindi ko ipagkakait. Dahil maswerte ako, at nakatagpo ako ng kasayaw na masaya akong sinasayaw.
7. Na hindi kita sasaktan ng sadya.
Dahil minsan talagang bobo ako sa mga ganyan. Pero promise ko, kung nahagisan man kita at natamaan ng satapos, di ko sinadyang matamaan ka. Lambing lang yun. Pero di nga, may masabi man akong pabalang, galit lang ako nun. May masabi man akong nakakagago, clueless lang ako nun. Pwede rin minsan oversensitive ka nung time na yun kase nagmemens ka. Bottom-line, I’m really sorry. Di ko man sabihin, nagsisisi ako mula pa sa pagbitaw ko ng mga salitang yun. Magloload na ako sa yo ng 1-milyong “sorry” kung sakali mang makalimutang kung humingi ng tawad.
8. Na gagawin ko ang lahat para maging maayos tayo
Hanggang umabot ang panahon na sawang-sawa ka na sa akin o nakahanap ka ng mas magaling sa skillset ko. At least kung ayaw mo na talaga, masasabi ko pa ring nagawa ko na lahat. Mamimiss kita at malamang mahihirapan akong makahanap ng kapareho mo ng skillset para sa job opening.
9. Na wag malulong sa droga negativeness
Na kung malungkot, nagbubugnot, nagwawala at iba pa; hindi ko palalampasin ng 24 hours. Sabi nga raw para stress-free dapat nirerecognize ang mga nararamdaman at hindi pinagkakait ng oras. Minsan kelangan lang lumamig. Minsan kelangan lang iiyak. Pero dyose me naman, kung lalampas pa ng isang araw ang pagngunguwa na unfair ang world, sayang lang ang oras. Unfair talaga ang world. Yun na yun. Ibaling na lang oras sa ibang activities dyan na mas masaya (ehem ehem).
At san naman galing to? Apparently I really want this to work. In-love much? Hewan. Wasn’t me. Deny, deny, deny.
Gaya ng sinabi ko sa #1, minsan umaabot talaga ng 48 years bago ko marealize kung ano talaga ang sinasabi sa kin. Perculator-mode. Kelangan munang i-brew. Late reaction naman ako poreber. Away, bati, 48 years, realization.
Kaya I solemnly swear all of the above - by the moon and the stars in the sky - para sa frustrated astrologer engineer gerber - somewhere out there.
Oh yes.
-
fromjustinesite likes this
-
potsquared likes this
-
meemax posted this